Buwan ng Wika at Kultura 2022: “BaliXSaya: Wikang Pinanday, Kulturang Pinagtibay”

You are currently viewing Buwan ng Wika at Kultura 2022: “BaliXSaya: Wikang Pinanday, Kulturang Pinagtibay”

Ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997, na ipinagdiriwang mula Agosto 1-31. Ang tema para sa taong ito ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha.

Kaugnay nito, ang Mataas na Paaralang Xavier, sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino ay bumuo ng tema kaugnay ng pagbabalik ng mga mag-aaral at guro sa paaralan ngayong taon na “BalikXSaya: Wikang Pinanday, Kulturang Pinagtibay.

Noong nakaraang Agosto 11, 2022, matagumpay na ipinagdiwang sa Mataas na Paaralang Xavier ang paglulunsad ng programa at mga aktibidad ng Buwan ng Wika at Kultura 2022. 

Bahagi ng programa ang pagdiriwang ng Misa sa Paggunita kay San Lorenzo ng Roma sa pamumuno ni Fr. Felipe Yohan, Jr. S.J. 

Sinundan ang Misa ng pagtatanghal ng mga piling guro sa hayskul, De Novo at Dance X. Nagpakitang gilas rin ang Sandugo sa isang spoken word. Pinatunayan sa mga naging pagtatanghal na talagang BalikXSaya na ang buong komunidad sa taong ito, na siya rin namang naging tema para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kultura 2022. 

Nakiisa at nakisaya rin sa pagdiriwang ang MMDA Band at ilang clubs gaya ng Xavier School Musicians’ Pool at Cooking Club. May exhibit rin ang Art ng mga likhang sining na gawa ng mga mag-aaral sa Grade 7. 

Tunay na naging makabuluhan at natatangi ang pagdiriwang sa taong ito. #BNWK2022 #BalikXSaya2022Maligayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kultura 2022! 

 

Narito ang memo para sa mga Gawain sa Buwan ng Wika at Kultura 2022.

Ang mga larawan ay kuha ni G. Glenn Gomez, Koordineytor ng Kagawaran ng Filipino, at G. Kenneth Sangab, guro ng SHS Physics. 

 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Leave a Reply

Please share this