Nagsimula ang XSENA FILM FESTIVAL noong 2011 bilang bahagi ng pangwakas na pangangailangan ng mga mag-aaral sa H3 (G10 sa kasalukuyan) sa kanilang asignaturang Filipino. Sa gawaing ito ay nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang husay mula sa pagsulat ng screenplay, hanggang sa paggawa at pagpapaunlad ng kanilang maikling pelikula. Sa matagumpay na pagtatangkang ito’y nagpasya ang Kagawaran ng FIlipino na isagawa taon-taon ang XSENA FILM FESTIVAL na nagtatampok ng kahusayan, kultura at katotohanan ng kanilang pagka-Pilipino.
Inihahandog ng Kagawaran ng Filipino ang ilan sa mga opisyal na entries sa ginanap na XSENA Film Festival 2020 na nilahukan ng mga mag-aaral sa Grade 10. Ang aming taos-pusong pasasalamat sa napakahusay at dekalibreng Lupon ng Inampalan na binubuo nina G. Alemberg Ang (XS ’95), G. Jeremy Gemzontan (XS ‘2015), Fr. Arturo Borja, S.J., G. Aloysius Adlawan at Gng. Rachel Marie Lagdameo (Dawn Zulueta).
Maaari ring mapanood ang mga pelikulang ito sa opisyal na Facebook Page: XSena Film Fest
Pagbati sa lahat ng mga nagsipagwagi!
Pinakamahusay na Pelikula (Unang Gantimpala):
Eyes (10C)
Pinakamahusay na Pelikula (Ikalawang Gantimpala):
Online Ka Ba? (10E)
Pinakamahusay na Pelikula (Ikatlong Gantimpala):
Salamin (10F)
Pinakamahusay na mga Screenplay:
Rafael Emilio Tañada, Online Ka Ba? (10E)
Carlos Joaquin Dionisio, Eyes (10C)
Antonius Andrei Ledesma, Sana (10D)
Shaun Zishen Tong, Salamin (10F)
Raj Alexander Chen, Hangad (10G)
Pinakamahusay na Sinematograpiya:
Damien Marcus See, Eyes (10C)
Liam Andre Dy, Online Ka Ba? (10E)
Pinakamahusay na Pangalawang Aktor:
Vito Palou, Ang Gusto Ko Lamang sa Buhay(10H)
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor:
Anton Jericho Ong, Hangad (10G)
Pinakamahusay na Direksyon:
Carlos Joaquin Dionisio, Eyes (10C)